<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10431946?origin\x3dhttp://redcarvings.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
random thoughts

....anything and everything she can think of.... 

Tuesday, June 14, 2005

16:53 - ordinary fare

** wala na akong maisep na pamagat para d2..

June 13, 2005 - monday

nung 12 pa ung Independence Day pero ang araw na ito ay tinurin pa ring isang holiday. may pasok ako sa trabaho dahil hindi naman holiday sa states.

maagang gumiseng para organisadong umpisahan ang isa na namang linggo ng pagsagot emails. As usual, mabagal pa rin ako kumilos. 6am nah. dapat ay nakaalis na ako kundi tiyak na male-late na naman.

wala na ba akong nakalimutan? tanong sa sarile habang nilalagyan ng hawi ang buhok at sinusuklay mabuti ang bangs.

dadalhin ko na lang pala 'tong brush kc magbu-bus lang ako ngayon kc nga holiday.

[naalala kung pano guluhin ng hangin ang ayos ng buhok noong kaya ko pa gumiseng ng maaga at sumakay ng bus dahil wala pang shuttle.]

pagdating sa sakayan ng jeep [sa may McKinley], pinigilan na lang ang mainis dahil pinipilit ng barker pagkashahin ang mga pasahero sa jeep na kapos sa upuan. Badtrip. pero wala ring magagawa. holiday ngayon. baka mataalan pa ang pagpuno sa susunod na jeep.at hindi naman ako pwede ma-late.

salamat na lang at maaga ako dumating. halos 30 minutes pa bago mag login sa call master. masaya ang araw ko. tahimik na nakikinig ng muic habang nagprocess ng email. nakaabot ng 166 mails. quota na ako hanggang sa latest hour bago magstart ang idle time.

ang saya ko.

tinulungan ko pa c angel sa knyang blog. nakakita ng bagay na ikalulungkot. sigh. bumalik sa station na may bakas ng lungkot sa mukha. pag unlock ng pc, may IM galing kay reich. link pala sa blogskin. ang cute!

masaya na naman.

at long last, nag sign up na ren ako sa blogskins. nagustuhan ko ung template pero gusto ko i-edit lang ung sa aken. ayoko baguhin totally using the new skin. pero kung aayusin ko na agad, baka kulangin lang ako sa oras. cge, magbblog na lang muna ako.

compose.

tagal ko din hindi nakapagpost kaya mejo mahaba.

CTRL + C

publish.

malapit na pala mag time. kaya sinilip ko muna yung NetAgent ko. nakita kong may 2 mails pa. isang spam at isang cancel na wala pang sagot!

cancel account. document. reply.

balik sa blogger...

page cannot be displayed

shet! sinubukan ang refresh button. wala. back button. wala ren. wala na ung mahabang entry ko =( hindi ko pa naman na-paste, copy lng. ang stupid tlaga. ang init tuloy ng ulo ko.

pero wala e. sana lang at least ma-appreciate ni cynthia na improving na ung productivity ko. kahit un na lang. masaya na ulit ako.

pinuntahan namen ni bon c badz sa mall para kunin ang mga ibabalik na gamit. npagkasunduang manood ng mr. and mrs. smith. nagtxt sa iba kung gusto sumama. [paumanhin kina reich na hindi nsabihan] isa lang ang nagreply at pass daw muna.

pauwi, muling sumakay ng bus na ordinary. nakatayo lang sa aisle dahil puno na ang bus. walang kwenta talaga ang mga lalaking lulan ng bus na yun. pagkadaan ng magallanes, wala pa ring gumagalaw, dahan dahang tumayo ang isang lolo sa aking kaliwa.tila nahihirapan dahil masikip at sa gitna ng tatluhang upuan siya nakaupo. kung siya lng ang tatayo, wag na lang. ngunit nagparaya siya binigay ang upuan sa akin. kinuha ko at nagsabing "Thank you."

nakitang gamit ang mahabang payong bilang tungkod, alam kong mahina na siya. lubog na ang mga pisngi at halos dikit na ang balat sa buto ng matandang ito. pero of all people, siya pa talaga ang nagbigay ng upuan para sa iba.

[naalala ko ung movie na pay it forward]

nakapagpasalamt na ako. wala naman akong ibang magagawa. pumikit na lamang at nagdasal ako na ana alagaan siyang mabuti ni Lord.

hindi lang maginhawang upuan ang nakuha ko sa biyaheng nagkakahalaga ng 12php. may aral din pala itong kasama -- pay it forward.


|

© dazzled 2005 - Powered for Blogger by Blogger Templates